Tauhan ng Florante at Laura

Ang mga tauhan ng Florante at Laura ay ang mga nasa sumusunod. Makikita sa baba ang mga tauhan at kung anu ang papel nila sa nobelang Florante at Laura.

Tauhan ng Florante at Laura:

  • Florante – tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo
  • Laura – anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
  • Aladdin / Aladin – anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante
  • Flerida – kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
  • Menalipo – pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre
  • Menandro – matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.
  • Antenor – guro ni Florante sa Atenas
  • Emir – moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
  • Heneral Osmalik – heneral ng Persya na lumaban sa Crotona
  • Heneral Miramolin – heneral ng Turkiya
  • Adolfo – kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
  • Konde Sileno – ama ni Adolfo
  • Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.
  • Haring Linseo – hari ng Albanya, ama ni Laura
  • Sultan Ali-Adab – sultan ng Persya, ama ni Aladin
  • Prinsesa Floresca – ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
  • Duke Briseo – ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo

Para sa mga naghahanap din ng mga pictures o larawan ng mga tauhan ng Florante at Laura ay kasulukuyan pa naming ginawa ang mga larawan o pictures. Maari kayong bumalik kapag tapos na ang proyektong ito.

Mga Pictures ng mga Tauhan

Tags: , , ,